LPA sa loob ng bansa, magiging bagyo sa loob ng 1-2 araw
Patuloy na binabantayan ng Pag-Asa ang Low Pressure Area (LPA) sa Silangan ng Batanes.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA sa layong 820 kilometro Silangan ng Basco.
Posibleng maging bagyo na ito sa loob ng 24 hanggang 48 oras at papangalanang ‘Neneng’.
Sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat at paminsan-minsan ay may kalakasang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang buong Palawan ngayong araw dahil sa Habagat.
Sa nalalabing bahagi naman ng Mimaropa, Cavite, Batangas, Bicol region, Western at Eastern Visayas makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil pa rin sa Habagat.
Sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay makararanas ng maalinsangang panahon liban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
===========