LPA sa Silangan ng Cagayan, binabantayan ng Pag-Asa

 

Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang isang low pressure area (LPA) sa Silangan ng Cagayan.

Ayon sa Pag-asa,  huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,030 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Hindi inaasahan ng Pag-asa na magiging isang bagong bagyo ang LPA  at sa ngayon ay wala itong epekto sa bansa.

Ngayong araw, maalinsangang panahon ang mararanasan sa buong bansa na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Ligtas ding makakapalaot ang mga mangingisda sa anumang baybaying dagat ng Pilipinas.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *