LTFRB, hihigpitan ang monitoring sa mga PUV’s sa Undas

Pinaalalahanan  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB) ang mga drivers at operators ng Public Utility Vehicle o PUV na posibleng magsasamantala sa dagsa ng mga pasahero sa darating na Undas ng mga Katoliko.

Sa economic briefing sa Malakanyang, sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra nagpalabas na siya ng kautusan sa lahat ng mga Regional Offices na paigtingin ang monitoring at inspection sa mga terminal para masigurong magiging maayos ang operasyon ng mga PUVs lalong-lalo na ang mga bus na bumibiyahe sa mga probinsiya.

Ayon kay Delgra, nakikipag-ugnayan na din ang LTFRB sa ibang pang ahensiya tulad ng LTO, PNP at AFP upang tumulong para maging matiwasay ang biyahe sa Undas ng mga katoliko.

Inihayag din ni Delgra na dahil sa inaasahan bugso ng mga pasahero magbibigay sila ng special permit para mapayagang bumiyahe ang ilang units ng mga bus sa iba’t-ibang probinsiya.

Niliwanag ni Delgra sa ngayon aabot sa mahigit walong-daan aplikasyon na ang natatanggap ng kanilang opisina para sa special permit.

Idinagdag pa ng LTFRB chief na magtatagal ang mahigpit nilang monitoring hangang sa Nobyembre 5 kung saan inaasahan magbabalikan mula sa kani-kanilang probinsiya ang maraming mga pasahero.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *