LTFRB hinamon ng isang kongresista na parusahan din ang Grab dahil sa pag abuso sa pasahero
Hinamon ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles ang LTFRB na parusahan ang Transport Network Company na Grab dahil sa pag-abuso sa mga pasahero.
Ayon kay Nograles, high tech ang pagiging isnabero ng mga grab driver dahil kina-cancel lamang nang kina-cancel ang booking ng pasahero.
Kung hindi man mag-cancel, sobra sobra naman ang surge sa pasahe sa mga sasakyan ng Grab.
Personal na naranasan ni Nograles ang ilang ulit na pagkanselahan ng booking ng Grab driver at nang siya naman ang mag-cancel ay nasingil pa siya ng 318 pesos.
Kapuna-puna na rin aniya ang pagdagsa ng reklamo sa sobra sobrang singil ng Grab drivers mula nang masuspinde ng LTFRB ang Uber.
Sinabi ni Nograles na kung matapang ang LTFRB sa mga ordinaryong taxi na namimili ng pasahero o sobra maningil, hindi nito dapat paligtasin ang Grab sa ganito ring pag-abuso.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo