LTFRB inilunsad ang Oplan Byaheng Ayos Summer Vacation 2023
Tiniyak ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang
kaligtasan ng mga pasahero na bibyahe pauwi sa mga probinsiya.
Ito’y matapos ilunsad ng LTFRB ang Oplan Biyaheng Ayos Summer Vacation 2023.
Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na naglabas ang kanilang
tanggapan ng Special Permits para sa 743 units ng Public Utility Bus (PUB)
upang masigurong hindi kukulangin ang masasakyan ng mga pasaherong
magbabakasyon.
“This year, after a long break due to the pandemic, we expect a huge influx of
travelers going to the provinces either for leisure travel or to join their families
for the long Summer Vacation break,” dagdag ni Guadiz.
Vic Somintac