LTFRB, pinaglalatag ng mgaSenador ng band aid solution sa problema ng TNVs
Pinaglalatag ng mga Senador ng band aid solution ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa problema nito sa Transport Network Vehicles Service O TNVS.
Kinastigo ni Senador Grace Poe ang mga opisyal ng LTFRB at iginiit na hindi dapat na agad-agad ipagbawal ang pagbiyahe at pagtanggap ng mga bagong application ng Grab at Uber drivers.
Ayon kay Poe, Chairman ng Senate Committee on Public Services, dapat balansehin din ng LTFRB ang regulasyon sa Uber at Grab dahil mahigit isang milyong commuters ang umaasa sa kanilamg serbisyo.
“Aapela ako sa LTFRB na habang sinusuri itong problema na ito huwag silang basta suspinde ng suspinde kasi ang daming mawawalan ng masasakyan. Mayroong mga iba na nakadepende talaga dito at mayroon din naman iba na kung hindi man naka-depende dito ay masasabi naman natin na teknolohiya ito, hindi naman dapat na basta na lang babarahin dahil hindi tayo sanay”. – Sen. Poe
Giit ni Sen. Sonny Angara dapat humanap ng solusyon ang LTFRB para tulungan ang mga mananakay.
Magandang pagkakataon rin aniya ito sa gobyerno para masimulan ang reporma sa mga pampublikong transportasyon.
Pero babala ni Cat Avelino, Communications Head ng Uber Philippines, pinaka matinding maapektuhan ang mga pasahero.
Samantala, balak naman ng Grab Philippines na makipagpulong sa LTFRB at sa mga mambabatas sa susunod na araw hinggil sa utos ng ahensya na mag-deactivate ng kanilang mga miyembrong drivers.
Nauna nang ipinasuspinde ng LTFRB ang pagtanggap ng mga bagong applicants dahil walang authority ang mga ito bilang isang public transport vehicles.
Ulat ni: Mean Corvera