LTFRB pinagpapaliwanag ni Senador Grace Poe sa pagbabago ng patakaran sa mga TNVS
Pinagpapaliwanag ni Senador Grace Poe ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ipinatutupad na patakaran sa mga Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Isa sa kinukwestyon ng Senador ang memorandum circular ng ahensya na may petsang February 2018 kung saan papayagan pa na bumiyahe sa mga lansangan sa loob ng tatlong taon ang mga hatchbacks pero binawi na ng ahensya.
Layon aniya nitong mabawi pa ng mga operators ang kanilang nagastos sa pagkuha ng mga sasakyan o kaya’y mabayaran ang kanilang car loan.
Ayon kay Poe, dapat ipaliwanag ng LTFRB ang pinagbatayan sa naunang desisyon nito dahil hindi ito makatarungan para sa mga operators at apektadong pasahero.
Nirerespeto niya umano ang mandato ng LTFRB pero dapat isa-alang-alang rin ang kapakanan ng mga stakeholders.
Umaasa naman ang Senador na magkakaroon ng positibong resulta ang dayalogo sa pagitan ng ltfrb at tnvs alinsunod na rin sa batas sa ease of doing business.
Ulat ni Meanne Corvera