LTFRB, susuriin pa kung papayagang nagbayad na lamang ng ₱10M ang Uber para maalis na ang suspensiyon
Pinag-iisipan pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung tatanggapin ba nila ang alok ng Uber na magbayad na lamang ng ₱10M para matanggal ang kanilang isang-buwang suspension.
Sinabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada, na pag-aaralan pa nilang mabuti kung ano ang nararapat.
Dagdag pa nito na maaaring isaalang-alang nila ang kalagayan ng mga mananakay na lubhang naapektuhan ng naturang suspension.
Magugunitang sinuspinde ng isang buwan ng LTFRB ang operasyon ng Uber noong Agosto 15 dahil sa paglabag ng kautusan na itigil muna ang pagkuha ng mga bagong sasakyan.
Please follow and like us: