LTO, pinawi ang pangamba ng mga riders sa pagpapatupad ng malalaking plate number sa mga motorsiklo
Pinawi ng Land Transportation Office (LTO) ang pangamba ng mga motorcycle riders sa malalaking plate number na ilalagay sa motor vehicle bilang bahagi ng Republic Act 11235 o Motorcycle Prevention act.
Layon ng batas na matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa mga krimen gamit ang motorsiklo.
Ayon kay LTO Asst. Secretary Edgar Galvante, ligtas para sa mga riders ang gagamiting materyales para sa paggawa ng malalaking plate numbers at hindi bakal na una nang pinangamabahan ng mga ito na magign sanhi pa ng aksidente.
Sinabi rin ni Galvante na ipapakiusap niya sa Technical working committee na gagawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) na i-consider ang mga pangamba naman ng mga riders.
“Hihingi kami ng tulong by asking ang mga miyembro ng organisadong motorcycle rider na magkaroon ng representative para resource speaker namin habang binubuo ang IRR. Kasi sa amin sa LTO, ang konsiderasyon lagi at primordial ay yung public safety”.