LTO wala pang nahuhuling lumalabag sa ADDA
Wala pang nahuhuling lumalabag sa unang araw ng implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act ang mga tauhan ng Land Transportation Office.
Nagbantay sa kahabaan ng Quezon Avenue ang mga tauhan ng LTO para ispatan ang mga gumagamit ng gadgets, nagte-text, o naglalaro habang nagmamaneho.
Subalit, wala silang natiyempuhan dahil agad naitatago ng mga motorista ang kanilang gadget kapag nakakita ng enforcers sa kalsada.
Isa sa nakikitang problema ng LTO ay ang heavy tint ng sasakyan ng ilang motorista.
Sa nirebisang Implementing Rules ang Regulation ng ADDA, papatawan ng multang ₱5,000-₱20,000 ang nahuhuling lalabag habang i-impound naman ang sasakyan ng mahuhuling gumagamit ng cellphone.