“Luffy” robbery cases, ‘di makakaapekto sa Japan visit ni PBBM–DFA
Naniniwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na walang magiging epekto sa pagbisita sa Japan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu sa “Luffy” robbery cases sa Japan kung saan ang mga itinuturong sangkot ay mga puganteng Hapon na nasa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ni DFA Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Neal Imperial na hindi rin nila inaasahan na matatalakay ang isyu ng pagpapadeport sa apat na Japanese fugitives sa pagpupulong nina Pangulong Marcos at Japan Prime Minister Fumio Kishida.
Ayon kay Imperial, walang kaugnayan ang naturang isyu sa official visit sa Japan ng presidente.
Ang Department of Justice (DOJ) at ang Embahada ng Japan sa Pilipinas din aniya ang humahawak sa nabanggit na kaso.
Paliwanag pa ng opisyal, kung may desisyon na ipadeport ang mga sangkot na Hapon ito ay ipatutupad alinsunod sa deportation proceedings ng Pilipinas.
Moira Encina