Lumusot na shabu sa BOC binusisi na ng Senado, mga opisyal ng boc nasabon sa mali maling detalye sa proseso ng pagpasok ng mga kargamento
Umarangkada na ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa nasabat na shabu sa Valenzuela na nagkakahalaga ng 6.4 Billion pesos.
Nais malaman ng mga Senador kung paano nakalusot sa Bureau of Customs ang shabu shipment mula sa China.
Sinermunan nina Senador Richard Gordon at Panfilo Lacson ang mga opisyal ng ahensya.
Tanong ni Lacson, ano ang sistema ng Customs sa profiling ng mga pumapasok na kargamento lalo na ang mga galing sa China.
Lumilitaw na idinaan ang kargamento sa kategorya na super green o express lane.
Ito ang mga kargamento na hindi na kailangang idaan sa X-ray at hindi na kailangang suriin ng mga taga Customs.
Sa imbestigasyon ng Senado, may 17 kargamentong dumating sa bansa na idineklarang mga sapatos, 23 inilabas sa Customs.
May 25, 2017 nang makatanggap ng tawag ang otoridad hinggil sa kontrabando at May 26, 2017 nang magsagawa ng raid ang mga otoridad.
Pero sabi ni Lacson, dapat lahat ng kargamento na galing ng China, ay otomatikong isasailalim sa X-ray lalo na kapag bago ang importer.
Ulat ni: Mean Corvera