Meycauayan City, mas pinaigting ang pagpapatupad ng mga ordinansa
Lalo pang pinaigting ng mga kinauukulan sa syudad ng Meycauayan, Bulacan ang pagpapaalala sa mga motorista at publiko hinggil sa mga ordinansang ipinatutupad sa lugar.
Alinsunod sa naipasang City Ordinance No. 2017-030 Chapter 7, Section 10, o ang ‘An Ordinance Enacting The New Environment Code of The City of Meycauayan, Bulacan ukol sa mahigpit na pagbabawal sa maingay na tambutso sa lungsod ay pagmumultahin ng P500-P1,500 at pagkakakulong ng mula 15 hanggang 120 araw ang sinomang lalabag dito.
Kaugnay naman ng Republic Act No. 10054 o ang “No Helmet, No Travel” ordinance, pagmumultahin ng P1,500-P10,000 ang sinumang hindi susunod dito.
Ang mga babala at paalalang ito ay para na rin sa kaligtasan ng bawat motorista lalo na sa mga motorcycle rider na nasasangkot sa ibat ibang uri ng aksidente sa daan.
Katuwang ang Meycauayan City Police Station at Meycauayan Traffic and Parking Bureau sa pagpapatupad ng mga nabanggit na ordinansa sa pangunguna ng Local Government Unit (LGU).
Ulat ni Gerald Dela Merced