Lungsod ng San Jose del Monte tumanggap ng Iba’t ibang pagkilala mula sa Department of Health Region III
Ibat’t-ibang pagkilala ang iginawad ng Department of Health (DOH) Region III sa San Jose Del Monte sa Bulacan, dahil sa pagsusulong ng lungsod sa proyektong Basta Batang San Joseno, Bakunado, Protektado!.
Bunga na rin ito ng pagsisikap at pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Arthur B. Robes at ng bumubuo ng SJDM City Health Office, sa isinagawang Sabayang Patak Kontra Polio Campaign sa buong syudad.
Kabilang sa mga pagkilalang natanggap ng SJDM mula sa DOH Region III ay, Highest Coverage (City with greater than 40,000 Target Population Category), Highest Coverage Despite High COVID-19 Cases, 90% Coverage Achievement, Highest Vaccinated Deferrals and Refusal (City with greater than 40,000 Target Population Category), Least Percentage of Deferrals and Refusal (City with greater than 40,000 Target Population at Best Reverse Logistics.
Kasama rin sa pinagkalooban ng certificate sina Ms. Therese C. Gempis at Mayor Robes, para sa matatag na suporta at magandang halimbawa ng kontribusyon sa Central Luzon Polio Outbreak Response.
Ulat ni Gilian Elpa