Luton Airport sa London nasunog
Sinuspinde ng Luton Airport sa London ang lahat ng biyahe ng kanilang eroplano at hiniling sa mga pasahero na huwag munang magtungo sa paliparan, dahil sa bahagyang pagguho ng istraktura sa paradahan ng mga sasakyan sanhi ng isang sunog.
Sa isang pahayag na inilabas ng paliparan nitong Miyerkoles ng umaga ay sinabi nito, “The safety of our passengers and staff remains our main priority. We have therefore taken the decision to suspend all flights until 12pm on Wednesday 11th October.”
Dagdag pa nito, “Passengers are advised not to travel to the airport at this time, as access remains severely restricted.”
Lima katao, kabilang ang apat na pamatay sunog at isang empleyado ng paliparan, ang na-confine sa ospital ayon sa local ambulance service.
Isa naman ang agad na nilapatan ng lunas sa lugar na pinangyarihan ng sunog.
Sumiklab ang sunog sa bagong tayong car park ng airport.
Ayon sa 41-anyos na si Russell Taylor, isang account director mula sa Scotland, “A few minutes later most of the upper floor was alight, car alarms were going off with loud explosions from cars going up in flames. The speed in which the fire took hold was incredible.”
Makikita naman sa footage broadcast sa British television na nilalamon ng apoy ang isang multi-storey building malapit sa airport.
Sinabi ng Bedfordshire Fire and Rescue Service, na pinigilan ng kanilang crew na kumalat ang apoy sa mga katabing gusali at mga sasakyan.
Ayon sa kanilang social media post, “One half of the structure is fully involved in fire and the building has suffered a significant structural collapse. Local residents are advised to close windows and doors and avoid the area.”
Nasa 40 kilometro (25 milya) sa hilaga ng central London, ang Luton ay nagseserbisyo sa ilang budget carriers at isa sa anim na pangunahing paliparan sa British capital.
Noong 2022, ay umabot sa humigit-kumulang 13 milyong pasahero ang in-accomodate ng naturang paliparan.