Luzon, apektado pa rin ng Habagat; Severe Tropical storm binabantayan ng Pag-asa sa labas ng bansa
Apektado pa rin ng Habagat ang Luzon partikular ang kanlurang bahagi nito.
Dahil sa Habagat, ang buong Ilocos region, lalawigan ng Abra, Benguet, Zambales at Bataan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang kalat-kalat na pag-ulan
Sa nalalabi namang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila, sa Visayas at sa Mindanao, sisilip na ang araw at magkakaroon lamang ng mga isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Samantala, ang severe tropical storm na mayroong international name na Krosa ay patuloy na binabantayan ng pagasa sa labas ng bansa
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,745 kilometers east ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 135 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Maliit ang tsansang pumasok sa bansa ang naturang bagyo.
Maliban sa bagyong Krosa wala namang iba pang sama ng panahon na papasok o lalapit sa bansa sa susunod na tatlong araw.