Luzon at Visayas grid isinailalim sa Yellow Alert
Isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Yellow Alert ang Luzon at Visayas Grid.
Ayon sa NGCP, nasa 12,874 ang peak demand sa Luzon grid kaya inilagay nila sa Yellow alert simula 1:00pm hanggang 11:00pm.
Labing walong planta ang bumagsak habang tatlong planta naman ang gumagana sa derated capacities.
Habang isinailalim din sa Yellow alert ang Visayas Grid mula 1pm hanggang 10pm dahil 13 planta naman ang nagka forced outage at nabawasan ang suplay mula sa 5 planta.
Sinabi pa ng NGCP, 698 MW ang nabawas na suplay sa Visayas grid.
Ang Yellow Alert ay iniisyu kapag ang operating margin ay hindi sapat para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.