Luzon grid, inilagay sa red alert
Inilagay na sa red alert ang Luzon grid kasunod ng nangyaring magnitude 6.1 na lindol.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ang available capacity ngayon ay 9,500 megawatts habang ang peak demand naman ay 8,900 megawatts.
Kasabay nito inanunsyo ng NGCP na naibalik na ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Luzon gaya ng Pangasinan, La Union, at ilang bahagi ng Pampanga.
Habang on going naman ang restoration ng pagbabalik ng suplay ng kuryente sa nalalabing bahagi ng Pampanga at Bataan.
Ulat ni Madz Moratillo
Please follow and like us: