Luzon Grid, muling itinaas sa yellow at red alert ngayong araw
Muling itinaas sa yellow at red alert ang Luzon grid ngayong araw.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ito ay dahil pa rin sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.
Sinabi ng NGCP na ng available capacity para sa Luzon ngayong araw ay 10,830 megawatts habang ang peak demand ay aabot sa 10,371 megawatts.
Ang pag-iral ng yellow ay naranasan mula kaninang 9:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon, alas 4:00 ng hapon hanggang alas 5 ng hapon. alas 6:00 ng gabi hanggang alas 9:00 ngayong gabi.
Red alert naman ang umiral mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon kaya nagpatupad ng brownout sa ilang lugar sa Luzon.
Ulat ni Meanne Corvera