Luzon region makakaranas ng rotating brownout hanggang sa lunes

Makakaranas ng blackout ang ilang bahagi ng Luzon region ngayong araw hanggang sa lunes, June 7.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines ang red alert o rotating brownout ay maaring maranasan mula alas diez ng umaga hanggang alas 5 ng hapon at alas sais hanggang 10 ng gabi.

Bunsod daw ito ng kakulangan ng suplay at pagtaas ng demand ng kuryente dahil sa matinding init ng panahon.

Ayon pa sa Department of Energy, apat na planta ng kuryente na ang nasira kaya nabawasan ang nagsusuplay ng kuryente.

Aabot sa 11,729 megawatts ang suplay habang ang demand ay pumalo na sa demand 11,514 Megawats.

Meanne Corvera

Please follow and like us: