Maalinsangang panahon, patuloy na mararanasan sa buong Kapuluan sanhi ng Easterlies
Patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon ang halos buong Kapuluan ng bansa dahil sa umiiral na Easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Dagat Paipiko.
Ayon sa Pag-Asa, dito sa Luzon ay maaliwalas na panahon na may pulu-pulong pag-ulan ang iiral lalu na sa dakong hapon at gabi.
Sa Metro Manila ay nasa 35 degree celsius ang magiging pinakamataas na temperatura ngayong araw.
Habang sa Laoag city sa Ilocos Norte, Legazpi city sa Albay, Kalayaan Islands at Puerto Princesa city sa Palawan ay nasa hanggang 33 degree celsius ang magiging temperatura.
Sa Baguio city ay maglalaro sa 17 hanggang 27 degree celsius ang temperatura at sa Tagaytay city ay nasa 22 hanggang 32 degree celsius ang temperatura.
Para naman sa Visayas at Mindanao ay magiging maaliwalas ang panahon na may isolated rainshowers sa dakong hapon at gabi sanhi ng localized thunderstorms.
Walang nakataas na Gale warning kaya ligtas na makakapalaot sa karagatan ang mga maliliit na sasakyang pandagat bagamat pinag-iingat dahil sa Hilagang baybayin ng bansa ay magiging katamtaman hanggang sa maalon ang karagatan.