Maalinsangang panahon, asahan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Easterlies
Mainit at maalinsangang panahon ang mararanasan sa ilang Silangang bahagi ng bansa sanhi ng umiiral na Easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Dagat Pasipiko.
Ayon sa PAGASA, ang Easterlies ang naging sanhi ng mga pag-ulan sa Central at Southern Luzon kasama ang Metro Manila kagabi hanggang kaninang madaling-araw.
Dahil din sa Easterlies, mataas ang tsansa ng mga pag-ulan sa Isabela, Aurora, Quezon province, Bicol region at Southern portion ng Palawan.
Sa Metro Manila ay bahagyang maulap ang papawirin na may tsansa ng mga pag-ulan sanhi ng localized thunderstorms.
Maulap na papawirin naman ang umiiral sa Visayas na may tsansa ng localzed thunderstorms habang sa Mindanao at fair weather condition ang umiiral pero pagsapit ng tanghali ay magiging mainit ang panahon at localized thunderstorms naman sa gabi.
Pinag-iingat din ng PAGASA ang mga maglalayag sa mga baybayin ng Batanes dahil may nakataas na Gale warning at posibleng umabot ng 2.8 hanggang 4.5 cm ang taas ng alon.
Samantala, ang binabantayang Low Pressure Area ay nasa bisinidad na ng West Philippine Sea at posible na rin itong malusaw.
Wala pa namang ibang sama ng panahon na namamataan ng weather bureau na maaaring makaapekto sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.