Maayos na koordinasyon sa seguridad ng INC Worldwide Walk event organizers, hinangaan ng MPD
Itinuturing na isa sa mga pinakamalaking aktibidad sa kasaysayan ng Manila Police district o MPD ang isinagawang Worldwide Walk ng Iglesia ni Cristo.
Sa panayam ng DZEC-Radyo Agila kay Police Supt. Erwin Margarejo, tagapagsalita ng MPD, alas-dose pa lamang ng tanghali kanina, umakyat na sa halos isang milyon ang bilang ng mga participants sa nasabing event.
Aabot naman aniya sa 5,000 ang mga tumulong sa pagpapanatili ng seguridad sa mahalagang okasyon kabilang na ang 3,000 mga pulis at mahigit isanlibo naman mula sa mga miyembro ng Scan International.
Nilinaw rin ni Margarejo na wala silang nasagap o namonitor na anumang banta sa karahasan bago, habang at pagkatapos ng worldwide walk.
Bagamat napakalaki ang bilang ng mga taong nagsipagdalo sa nasabing event, hinangaan ni Margarejo ang mga event organizers at pamunuan ng INC dahil sa maayos na koordinasyon sa seguridad sa nasabing aktibidad.
MPD Spokesperson Col. Erwin Margarejo:
“Maayos naman po na na-organize yung activity ng Iglesia ni Cristo at maganda yung coordination ng INC at ng pamunuan ng MPD. Kaya maganda po yung nangyaring pakikipagtulungan ng bawat isa”.