Mababa ba ang blood sugar mo?

Magandang araw ang aking pagbati sa inyong lahat mga
kapitbahay! Kumusta na po? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Hypoglycemia? Ano nga ba ito? Alam na alam ito ng mga diabetic,
at dahil tumataas ang kaso ng diabetes dito sa Pilipinas, kaya ito ang
napili nating ipatalakay kay Dr. Irma Antonio-Pilar, Internist-
Endocrinologist sa programang Kapitbahay!

Ang sabi ni Doc Irma, ang hypoglycemia ay isang kundisyon kung
saan masyadong bumababa ang dami ng asukal sa dugo. Ito ay kapag
ang blood sugar ay mababa sa 70 mg/dl.


E, bakit bumababa ang blood sugar? Una sa lahat, sabi ni Doc
Irms, kung diabetic, kapag sobra ang insulin o ang iniinom kaya na
gamot na pampababa ng blood sugar. Pangalawa, kapag konti ang
kinain ng isang diabetic.

Ang mga doktor daw kapag nagreseta ng gamot sa isang diabetic,
ang assumption nila ang pasyente ay kakain ng almusal, tanghalian, at
hapunan.

Ngayon, kapag ang pasyente o isang diabetic ay hindi
kumain ng almusal at uminom ng gamot, natural babagsak ang asukal
sa dugo. Dito nagkakaroon ng hypoglycemia.

Isa pa, kapag sobra ang physical activity. Ibig sabihin, kapag
ang isang diabetic ay nagplanong mag-exercise, kailangan ay kumain
dahil ang pag-e-exercise ay nakapagpapababa ng blood sugar.

Lalo na kapag ikaw ay type 1 diabetes na kailangang i-check ang asukal sa dugo
bago at pagkatapos na mag-exercise.

Eto pa, ang labis na pag-inom ng alak. Sa isang diebetic patient
kapag uminom ng alak, maaaring hindi nararamdaman na bumabagsak
na pala ang asukal sa dugo.

Ang atay kapag bumabagsak ang asukal sa
dugo ay naglalabas ng asukal sa katawan.

Kaya, kapag uminom ng alak parang pinipigilan nito ang pagre-
release ng asukal sa dugo. At isa na rin sa dahilan ng hypoglycemia ay
kapag may sakit sa at gaya gaya ng liver cirrhosis, may bukol sa atay.
gayundin kung may bukol sa lapay o pancreas o tumor.

Ano ang sintomas ng hypoglycemia? Sabi ni Doktora ay pagkahilo,
pinapapawisan ng malamig dahil sa gutom na gutom, pagsakit ng ulo,
mabilis na pagtibok ng puso, panghihina, at irritable.

Samantala, kapag mabababa ang asukal sa dugo, ito ang mga
dapat aniyang gawin:

Sa pagkain may tinatawag na 15/15 rule. Ibig sabihin kung
kumain ng 15 grams na carbohydrates, i-check ang blood sugar in 15
minutes.

Puwedeng kumain ng candies, fresh o dried na fruits gaya ng
saging (kalahati ); 15 piraso ng grapes; 2 tablespoons of raisins; o
kaya ay kalahating mansanas.

Kapag walang mga prutas na nabanggit, maglagay sa isang basong
tubig ng dalawang kutsara ng asukal at inumin. Maaari din ang fruit
juice like apple juice or orange juice (kalahating baso).


Puwede rin ang dalawang kutsarang honey, one cup of milk (fat-
free). Para tumaas ang sugar level.

After 15 minutes ay i-check ulit ang
blood sugar kapag mababa pa rin, subukang kainin ulit ang mga
nabanggit.

Pero, kapag after 30 minutes na ay mababa pa rin,
kailangan mo ng magpunta sa iyong duktor o sa pagamutan.

Mga kapitbahay, huwag po nating balewalain ang mga paalalang
ito sa atin. Hanggang sa susunod, magandang araw po!

Please follow and like us: