Mababang datos ng mga nabakunahan at nabigyan ng booster shots, ikinadismaya ng isang senador

Photo: facebook.com/BongGoPage/

Pinuna ni Senador Christopher Bong Go ang mababa pa ring datos ng mga nabakunahan at nabigyan ng booster shots laban sa COVID-19.

Sa harap ito ng plano ng ehekutibo na luwagan ang paggamit ng face mask sa indoor setting.

Sinabi ni Go na chairman ng Senate Committee on Health, na kailangang magdoble trabaho ang gobyerno sa pangungumbinsi sa taumbayan na magpabakuna lalo ng booster shots, dahil hanggang ngayon ang Pilipinas ang may pinakamababang vaccination rate sa Southeast Asia.

Ipinaalala ni Go na walang part 2 ang buhay ng isang tao kaya’t dapat na iprayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan.

Sa gitna aniya nang patuloy na mabilis na pagbabago ng virus at pagkakaroon nito ng iba’t ibang variants, ang bakuna ang paraan upang tuluyang malagpasan ang pandemya.

Hanggang nitong October 23, nasa 3.31 million Filipinos, o 4.24% ng target population ang nakatanggap na ng second booster dose, habang 20.47 million o 26.21% ng target population ang may first booster dose.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *