Mababang employment rate ng mga k to 12 graduates bubusisiin ng senado

Hinihingan na ng paliwanag ng senado ang Department of Education sa ginawa nitong internal investigation sa isyu ng K to 12 curriculum dalawang taon matapos ang implementasyon nito.

Sa harap ito ng resulta ng mga surveys na nagsasabing mababa at 24 percent lang ng mga kumpanya sa buong bansa ikinukunsidera na tumanggap ng mga kabataang nakapagtapos ng K to 12 program.

Kinukwestyon ni Senador Sherwin Gatchalian, Vice Chair ng senate committee on education ang DepEd kung bakit maraming kabataan pa rin ang wal o hindi natatanggap sa kanilang trabaho gayong ang tunay na hangarin ng k to 12 ay dagdagan ang skills ng mga kabataan at padaliin ang proseso sa kannilang paghahanap ng trabaho batay sa itinatakda ng labor market.

Plano ng komite ni Gatchalian na magpatawag na ng padinig sa isyu kung saan iimbitahan ang mga employers para alamin kung bakit tumatangging kumuha ng mga K to 12 graduates.

Sinabi ng senador na kailangang makapagpalabas ng rekomendasyon ang senado para makapag adjust ang deped para sa pasukan sa susunod na taon.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *