Mababang kapulungan ng Kongreso, papayagan na ang 100 percent capacity sa face to face SONA ni PBBM

Magbabalik na ang 100 percent face-to-face na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza full capacity na ang gagawin sa unang SONA ni PBBM sa July 25 kung saan personal nang makakadalo sa Batasan Complex ang 315 na mga Kongresista, 24 na Senador at mga miyembro ng Diplomatic corp at iba pang VIP guests.

Aabot naman sa 1,200 ang seating capacity ng plenaryo ng Kamara na inaasahang mapupuno sa mismong araw ng SONA.

Sa kabilang banda ay magiging limitado naman ang media na pahihintulutang makapasok sa session hall.

Batay sa abiso ng House of Representative Media Bureau 30 reporters lamang ang papayagang makapasok sa plenaryo sa pamamagitan ng draw lots habang ang nalalabi ay maaaring mag monitor sa itatalagang holding area sa South wing annex ng Batasan Complex.

Bubuksan na rin ang North at South wing lobby para sa maayos na coverage ng media.

Vic Somintac

Please follow and like us: