Macho Block sa Senado nagfile na rin ng COC
Kahit natalo sa nakaraang presidential at vice presidential race, muling sasabak sa eleksiyon sa Mayo ng susunod na taon ang tinaguriang macho block sa Senado.
Naghain na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC), sina Senate President Vicente Sotto at Senador Ping Lacson kasama ang re-electionist na si Senador Lito Lapid.
Senator Ping Lacson
Sinabi ni Sotto na kung papalaring manalo, kabilang sa isusulong niya sa pagbabalik sa Senado ay ang rightsizing ng pamahalaan laluna at nauubos ang budget dahil sa mga redundancy sa gobyerno.
Bubuhayin din niya ang panukalang batas kontra fake news, pagbibigay ng 14th month at hybrid election.
Senator Lito Lapid
Kokontrahin naman ni Lacson ang anumang paraan ng pork barrel funds, habang isusulong ni Lapid ang agri-tourism at palalawigin ang free legal assistance o Lapid Law para sa mga Pilipinong biktima ng karahasan o anumang pang-aabuso, na walang kakayahang kumuha ng abogado.
Meanne Corvera