Madalas na aberya sa operasyon ng MRT, dapat busisiin – Sen. Binay
Dahil sa naitatalang aberya ng mga bagong bagon ng MRT— naghain ng resolusyon si Senadora Nancy Binay para paimbestigahan kung depektibo ba ang mga bagong bagon ng MRT.
Sa panayam ng programang Feedback sinabi ni Binay na linggo linggo kung tumirik ang MRT na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyang ng solusyon.
Nais ng Senadora na matukoy kung may katotohanan na kaya nangyayari ang mga aberya ay dahil sa hindi compatible sa train system ang mga bagong bagon na binili noong 2013 na nagkakahalaga ng mahigit tatlong bilyong piso.
Bukod dito, kung talagang hindi compatible ang mga biniling bagon ng MRT bukod sa masasayang ang ginugol na salapi ng gobyerno ay hindi rin masosolusyunan ang problema ng trapiko sa bansa kaya kailangang mapanagot ang sinumang may kasalanan kaya panahon na para matalakay ang naturang usapin.
“Bukod ho dun sa masasayang hindi po ito makakadagdag para bigyan ng solusyon ang problema natin sa traffic at I guest kong may liability kung sinuman ang nagpursue nito ei kailangang managot …tsaka iniiwasan natin na magkaroon ng disgrasya”. – Sen. Binay