Madalas na pagkain ng instant noodles, maaaring maging sanhi ng sakit sa puso at strokes ayon sa mga pag aaral
Ayon sa pag aaral ng mga researcher sa Bayer at Harvard University sa Amerika, mas mataas ang posiblidad na makaranas ng stroke at dapuan ng sakit sa puso ang mga taong madalas kumain ng instant noodles.
Taglay ng instant noodles ang isang uri ng preservative na hinahalo sa maraming uri ng pagkainparaito ay magtagal.
Lumabas sa pag aaral na ang sangkap na preservative na inihahalo sa instant noodles ay walang benepisyo sa kalusugan at hindi rin kayang tunawin ng katawan.
Ito ay magiging sanhi ng paghina ng metabolismo na maaari namang humantong sa pagkakaron ng sakit sa puso, stroke at iba pang sakit.
Ulat ni: Anabelle Surara