Mafia members sa NFA , pinangalanan
Pinangalanan na ni Senador Raffy tulfo ang umano’y mafia sa loob ng National Food Authority na sangkot sa pagbebenta ng mas murang bigas sa mga trader.
Tinukoy ni Tulfo sina Administrator Roderico Bioco, Director Alwin Uy, Charles Alingod, Max Torda at isang Navarro.
Ang kanilang modus umano, namimili sila ng palay sa mga lokal na magsasaka sa mas murang halaga.
Kapag may sapat na stock na ng palay, uutusan umano ni Bioco sina Uy at Alingod para sabihan ang quality assurance officer na mag- isyu ng laboratory analysis report para ipadeklarang malapit ng mabulok at ipadedeklarang wala na sa maayos na kundisyon ang mga bigas at hindi na pwedeng kainin ng tao.
Ang masakit ayon sa Senador, sa mga rice trader ibinebenta ang mga bigas kahit pa may request ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng DSWD at mga Local Government Units na makabili ng murang suplay sa NFA para sa kanilang mahihirap na constituents.
Iginiit ng Senador na labag sa itinatakda ng Rice Tarrification law ang pagbebenta ng bigas sa traders dahil ang kanilang mandato ay taga maintain ng buffer stock para sa bayan at mga LGU na nangangangailangan .
Sagot naman ng Department of Agriculture, pinag- aaralan nilang irekomenda ang pagkakaroon ng independent laboratory testing na siyang susuri sa mga naka imbak na bigas sa NFA.
Iginiit naman ng dating opisyal ng D-A na hindi dapat ibenta ang mga bigas ng NFA dahil sa kanilang mandato dapat isinusuplay ang bigas sa mga ahensiyang tumutugon sa kalamidad at pandemya.
Meanne Corvera