Mag-amang politiko na nambugbog ng isang pulis pinakakasuhan ni Pangulong Duterte
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si DILG Secretary Eduardo Año na imbestigahan ang insidente ng pambubugbog ng mag amang Garin sa isang pulis.
Gusto ng Pangulo na matukoy ang ugat ng insidente at mapanagot ang mga nasa likod nito.
Ayon sa Pangulo dapat tuluyang kasuhan ng direct assault in person of authority ang mag amang Garin sa ginawang pag atake sa imbestigador na pulis.
Sinabi ng Pangulo kung may pagkukulang man ang pulis hindi ito sapat na dahilan para ito gulpihin.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinugod ng mag amang sina
Iloilo Congressman Richard Garin at tatay na si Guimbal Mayor Oscar Garin si PO3 Federico Macaya Jr. noong Miyerkules ng madaling araw sa Guimbal plaza.
Ito ay makaraang hindi ituloy na kasuhan ni PO3 Macaya ang isang menor de edad na sangkot sa away na napag alamang anak ng isang konsehal dahil tumanggi na rin namang magsampa ng kaso ang batang nakaaway nito.
Ulat ni Vic Somintac