Mag-isip muna ang mga humahadlang kay BBM sa pag-upo nito sa Malakanyang .
Pag-usapan natin mga kaisyu ang ukol sa disqualification case sa incoming president Bongbong Marcos.
Batid naman ng lahat na ang disqualification case na isinampa sa Comelec ay ibinasura na o dinismis na.
At dahil ang lahat naman ay may karapatang umapela sa Kataastaasang Hukuman o Supreme Court kaya ito ang ginawa ng grupo ni Atty. Theodore Te, dating spokesperson ng Supreme Court at tagasuporta ng dilawan.
Dumulog si Atty. Te sa Supreme Court para hilingin na baliktarin ang dismissal sa disqualification case laban kay BBM. At nais din nito na sa pamamagitan ng SC ideklara si BBM na disqualified.
Na ang certificate of candidacy nito ay ibasura ng SC.
Parehong batayan ng kaso na idinulog nila sa Comelec bago ang halalan, nagsampa sila ng pitong (7) disqualification case na ibinasura ng komisyon.
Gaya ng banggit ko na noon pa man, karapatan nila ito , ang umapela sa Supreme Court .
Ang gusto ni Atty.Te ay ikansela at ideklarang void ab initio ang certificate of candidacy for presidency ni BBM.
Ibig sabihin, walang bisa sa umpisa pa lang .
At may pleading pa si Atty. Te na magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO ang Korte Suprema para pigilan ang proklamasyon ni BBM na gagawin ng Kongreso.
Hindi ba’t ang desisyon ng Comelec sa petisyon for disqualification case kay BBM ay walang kumontra?
Kahit sa en banc man ay nagkaisa na walang sapat na batayan ang argumento ng mga tumututol na maupo si BBM sa puwesto.
Ang tanong ko lang , Atty. Te, mawalang galang na po, do you think the Supreme Court will do injustice to the 31 M Filipinos who voted for BBM, para lang mapagbigyan ang kapritso ninyo na mahadlangan si Bongbong Marcos na maupo sa Malakanyang?
Sa palagay po ba ninyo, gagawa ng kawalang hustisya ang Kataastaasang Hukuman sa 31 milyong pinoy na bumoto para kay BBM?
“Yan ang isipin ninyo !