Mag-lolo, patay sa sunog sa Novaliches, Quezon city
Patay ang isang sitenta anyos na lolo at kaniyang disi-siyete anyos na apo makaraang ma-trap sila sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Gulod, Novaliches,Quezon city.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog, alas-singko ng hapon, kahapon, November 21 at mabilis na iniakyat sa ikalawang alarma.
Sampung bahay ang tinupok ng apoy at tinayang nasa 20 pamilya ang naapektuhan.
Patuloy na inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.
Please follow and like us: