Mag mahihinang paglindol sa bansa, senyales ng paghahanda sa maaaring mga malalakas na paglindol – Philvolcs
Bagamat walang kapinsalaang dulot ang mga mahihinang lindol na nararanasan ng bansa sa halos araw-araw, senyales umano ito na dapat paghandaan ang malalakas na lindol na maaaring tumama sa bansa.
Paliwanag ni Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs Director Renato Solidum, ang nararanasang mga mahihinang lindol ay dulot ng madalas na paggalaw ng mga aktibong fault line.
Kasabay nito, ipinag-anyaya ni Solidum ang binuo nilang Phivolcs fault finder kung saan doon makikita kung gaano kalayo o kalapit ang inyong tahanan sa isang aktibong fault line.
Makikita ito sa kanilang website o at pwede ring i-download and kanilang mobile application.
Ito ay upang mapaghandaan aniya ng publiko ang maaaring panganib na dumating.
“Nagkaroon po tayo ng mobile application o sa website, makikita ninyo ang inyong distansya sa mga aktibong fault line. Magtungo lang sila sa website ng Phivolcs at hanapin ninyo ang inyong bahay sa mapa, i-tap lang yung screen at in a few seconds, malalaman na nila kung gaano kalapit o kalayo ang bahay nila sa mga fault line”.
Bukod dito, nag-aanyaya rin si Solidum na makiisa sa isasagawang Nationwide simultaneous earthquake drill bukas, June 21, alas-dos ng hapon kung saan magiging main ceremonial site ay sa San Mateo, Rizal at ilang mga rehiyon sa bansa.
Bukod dito, sa susunod na linggo ay magkakaroon rin ng International search and Rescue group exercise kung saan isasagawa ang mga simulation exercises sa kung ano ang dapat gawin ng mga local responders sakaling magkaroon ng malakas na lindol sa Metro Manila.
===============