Magat dam, magpapakawala ng tubig bilang paghahanda sa malalakas na ulang dulot ng bagyong Maring

Inanunsiyo ng National Irrigation Administration (NIA) na magpapakawala ng tubig ang Magat dam mamayang alas-3:00 ng hapon bilang paghahanda sa inaasahang malalakas na ulang dala ng bagyong Maring.

Batay sa advisory na pirmado ni Engr. Carlo Ablan, flood operations manager ng Magat FFWHU Dam Office, bubuksan ng Magat Flood Forecasting and Warning System (FFWS) ang spillway simula alas-3:00 ng hapon ng October 10.

Ang Gate No. 4 ng spillway ay bukuksan ng 1 metro, na tinatayang nasa 200 cms. ng tubig ang pakakawalan.

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng malalakas na ulang dulot ng Tropical Storm Maring.

Batay sa weather bulletin ng PAGASA, kasama ang Northestern portion ng Isabela sa Signal No. 1 dahil sa bagyo.

Ang Magat dam ay matatagpuan sa Ramon, Isabela at major tributary ng Cagayan River.

Please follow and like us: