Magiging desisyon ni Pangulong Duterte sa partial lifting o extension ng ECQ nakabatay sa Expert opinion at Scientific study – Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na dumaan sa masusing pag-aaral ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung magkakaroon ng partial lifting o extension ang ipinatutupad na Luzonwide Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Sa virtual Press briefing ni Presidential spokesman Secretary Harry Roque kinonsulta ng Pangulo ang lahat ng mga experto mula sa Gabinete, pribadong sektor, business at mga nasa Academe.
Ayon kay Roque naisumite na ng Inter-Agency Task Force o IATF ang framework ng rekomendasyon na pagbabatayan ni Pangulong Duterte kung magkakaroon ng partial lifting, modification o extension ng ECQ pagkatapos ng April 30.
Ayon kay Roque isa sa nasa IATF frame work na isinumite sa Pangulo ay ang scientific study na ginawa ng University of the Philippines kung saan natukoy ang mga lugar na high risk sa Covid 19 at ito ay kinabibilangan ng Metro Manila, Calabarzon, ilang bahagi ng Bulacan, Cebu at Davao.
Ulat ni Vic Somintac