Maging middle income target ang Pilipinas posibleng maabot
Posibleng maabot na ng gobyerno ang target nitong maging middle income ang Pilipinas sa sandaling masunod ang mga proyektong popondohan ng panukalang Pambansang Budget sa 2024 na aabot sa 5.768 trillion pesos.
Ito ay katumbas ng 20 percent ng buong GDP o ekonomiya .
Sinabi ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na nakapaloob sa Pambansang budget ang development funds at prayoridad pa rin ng Senado ang edukasyon ng mga kabataan na magpapaangat sa buhay ng mahihirap na Pilipino.
Malaking bahagi rin aniya ng budget ang inilaan para sa Build better more program tulad ng mga Infrastructure projects na magkokonekta sa mga siyudad patungong kanayunan.
“The National budget is more than a money bag, it is a toolbox for development to fund our nation’s progress, turns our collective dreams into reality and our people’s hopes into happiness, our children’s education remains a top priority so we can nurture a national talent pool that can identify and seize opportunities, solve problems, and win the future “.pahayag ni Senador Sonny Angara )
Meanne Corvera