Magna Carta para sa Public Disaster Risk Reduction Management Workers, isinusulong sa Kamara
Itinutulak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang Magna Carta for Public Disaster Risk Reduction and Management Workers o PDRRMW.
Sa House Bill 4490 na inihain ng mag-iinang Representatives Lani Mercado Revilla, Ramon Jolo Revilla at Bryan Revilla, napapanahon nang kilalanin at magkaroon ng batas para sa PDRRMW.
Ayon sa mag-iinang Revilla, ito ay upang maisulong ang proteksyon, kapakanan at mabigyan ng nararapat na benepisyo at kompensasyon ang mga miyembro ng PDRRMW na katulong ng sambayanan sa pagtugon sa panahon ng kalamidad.
Kapag naging ganap na batas ang mga PDRRMW ay makaaasa ng security of tenure at bibigyan ng nararapat na suweldo ang mga ito.
Bukod dito, ang mga miyembro ng PDRRMW ay pagkakalooban ng mga benepisyo at kompensasyon gaya ng hazard pay, transportation, communications, subsistence, laundry at quarter allowance.
Sa ilalim pa ng panukalang batas, libre ang medical, mental at psychosocial examination ng mga PDRRMW at kung maaksidente sa pagtupad ng tungkulin ay may insurance coverage.
Vic Somintac