Magnitude 4.8 na lindol naramdaman sa Sarangani, Davao Occidental

Naramdaman ang Magnitude 4.8 na lindol sa munisipalidad ng Sarangani , Davao Occidental .

Naitala ng PHIVOLCS ang naturang lindol kaninang 8:34 ng umaga,animnaput tatlong kilometro        ( 63km)  timog kanluran ng naturang lalawigan.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na dalawamput anim na kilometro ( 26km).

Sa lakas ng lindol naramdaman ang Intensity II sa City of General Santos, South Cotabato at Glan, Sarangani.

Habang naramdaman naman ang Intensity I sa Polomolok, Tupi, at T’boli, South Cotabato; Kiamba, Malungon, at Alabel, Sarangani.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *