Magnitude 5.1 na lindol tumama sa Abra, aftershock ng magnitude 7 na lindol noong isang linggo – PHIVOLCS
Isang magnitude 5.1 na lindol ang muling tumama sa Abra kaninang umaga (August 1), humigit-kumulang apat na kilometro sa hilagang silangan ng bayan ng Villaviciosa.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang intensity 5 sa Vigan City at iba pang lugar sa Ilocos Sur, Ilocos Norte at and Mountain Province.
Ang pagyanig na tectonic ang pinagmulan, ay isang aftershock ng July 27 magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon na nasa Abra rin ang epicenter. Ito rin sa ngayon ang pinakamalakas sa daan-daang na naranasan sa Abra mula nang mangyari ang magnitude 7 na lindol limang araw na ang nakalilipas, batay sa PHIVOLCS data sa mga lindol na tumama sa rehiyon.
Sinabi ng PHIVOLCS na ang 5.1 magnitude na lindol ay tumama sa Abra kaninang alas-2:48 ng madaling araw, medyo mababaw ito sa lalim na 13 kilometro lamang.
Dahil dito ay naramdaman din ang lindol sa mga kalapit na lalawigan gaya ng Ilocos Sur, Mountain Province at Kalinga, na napinsala rin ng malakas na magnitude 7 na lindol, limang araw na ang nakalilipas.
Naramdaman ang intensity 5 sa pinakahuling aftershock sa mga sumusunod na lugar:
Dolores, Abra; Vigan City, Sinait, Bantay, Banayoyo, Nagbukel, Gregorio del Pilar, Suyo, Sugpon, San Ildefonso, Santa, Magsingal, San Juan, at Cabugao, sa Ilocos Sur; Pinili at Badoc, sa Ilocos Norte; Besao, at Sagada, sa Mountain Province.
Intensity 4 naman ang naramdaman sa mga sumusunod na lugar:
Bangued, sa Abra; Laoag City, Bacarra at Pasuquin, sa Ilocos Norte; Sto. Domingo, San Vicente, Sta. Catalina, Candon City, Santa, Narvacan, San Esteban, Sta. Maria, Caoayan, Sta. Lucia, Sta. Cruz, at Tagudin, sa Ilocos Sur; Sudipen, Luna, Balaoan, Bangar, Bacnotan at lungsod ng San Fernando, sa La Union; Bontoc at Sadangga, sa Mountain Province.
Narito naman ang iba pang mga lugar na naramdaman din ang 5.1 magnitude aftershock sa mababang intensities:
Intensity 3: Baguio City; Flora, Santa Marcela, Apayao; Tabuk City, Kalinga; Bauko at Tadian, Mountain Province; Luna, Apayao; Tuguegarao City, Lal-lo, Allacapan, Gattaran, Lasam, Amulung, Claveria, Sanchez Mira, Abulug, Cagayan
Intensity 2: Santiago City, Ramon at Quezon, Isabela; Cabarroguis, Quirino; Aparri, Cagayan
Intensity 1: Itogon, Benguet
Napaulat naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar :
Intensity V – Vigan City, Ilocos Sur
Intensity IV – Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity III – Laoag City, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur
Intensity II – Tabuk, Kalinga; Claveria and Penablanca, Cagayan
Intensity I – Baguio City; Dagupan City, Pangasinan; Ilagan, Isabela
Sa kanilang latest bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan nilang magkakaroon ng mga pinsala dahil sa malakas na strong aftershock.
Nakapagtala na rin ang PHIVOLCS daan-daang aftershocks matapos ang magnitude 7 na lindol na tumama sa northern Luzon region limang araw na ang nakalilipas.