Magnitude 5.5 na lindol, yumanig sa Burdeos, Quezon ngayong hapon….Pagyanig naramdaman din sa mga kalapit lalawigan at sa Metro Manila
Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang bayan ng Burdeos sa Quezon province kaninang pasado alas-4:00 ng hapon.
Ang pagyanig ay naramdaman din sa ilang lugar sa Luzon maging sa Metro Manila.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig sa 40 kilometers Hilagang-Silangan ng Burdeos, 4:28 ng hapon.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 10 kilometro.
Intensity 4 o moderatley strong ang naramdaman sa Jose Panganiban, Camarines Norte at sa Quezon City.
Intensity 3 naman sa Guinyangan, Quezon at instrumental intensity 3 naman ang naitala sa Tagaytay City.
Nagbabala rin ang Phivolcs sa mga posibleng aftershocks.