Magnitude 5.6 na lindol, naitala sa Lebak, Sultan Kudarat

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Lebak, Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs , ang epicenter ng lindol ay nasa tatlumput anim na kilometro hilagang kanluran ng nabanggit na lalawigan.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na tatlumput anim na kilometro.

Naitala ang lindol kaninang 1:24 ng hapon.

Dahil sa lakas ng pagyanig naitala ang mga sumusunod na intensity:

Intensity III – Cotabato City
Intensity II – General Santos City
Intensity I – Zamboanga City


Instrumental Intensities:
Intensity IV- T’boli, South Cotabato
Intensity III- Santo Nino and Koronadal City, South Cotabato;Kiamba, Sarangani
Intensity II – General Santos City; Cotabato City; Malungon and Maasim, Sarangani
Intensity I – Zamboanga City; Davao City; Cagayan de Oro City; Kidapawan City

Babala ng Phivolcs na asahan na makakaranas ng aftershocks sa naturang pagyanig.

Please follow and like us: