Magnitude 6.7 na lindol, “Huwag magpanic”- Solidum
Walang dapat ikabahala ang publiko sa nangyaring lindol ngayong madaling araw sa Metro Manila at mga karatig probinsiya. Ito ang binigyang diin ni PHIVOLCS Director Renato Solidum kaugnay ng magnitude 6.7 na lindol sa Calatagan, Batangas kaninang 4:49AM na sinundan ng aftershock ganap na 4:57AM sa magnitude na 5.1.
Ayon kay Solidum, may lalim ang lindol na 116 km kung kayat hindi ito inaasahang makapagdudulot ng grabeng pinsala. Wala ring inaasahang tsunami. Ang aftershock naman ay naitala sa lalim na 107 km.
Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V – Calapan City & Puerto Galera, Oriental Mindoro; Sablayan and Magsaysay, Occidental Mindoro;Tagaytay City, Carmona & Dasmarinas City, Cavite
Intensity IV – Quezon City; Marikina City; Manila City; Makati City; Taguig City; Valenzuela City; Pasay City; Tagaytay City, Cavite; Batangas City & Talisay City, Batangas; San Mateo, Rizal;
Intensity III – Pasig City; San Jose del Monte City, Bulacan.