Magpatupad agad ng karagdagan health protocols

L

Magandang araw sa inyo mga ka-isyu ng Sambayanan! Mahigit isang milyon na ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas. Tama ang sinabi ng Octa Research Team na bago magtapos ang Abril papalo tayo sa isang milyong kaso.

Bagaman laging binabatikos o pinupuna ang Octa Research Team pero ang kanilang prediksyon ay malapit sa katotohanan. Ang pinagbabatayan din naman nila ay ‘yung data analytics na inilalabas ng Department of Health. So, nakabatay din ang kanilang prediksyon sa DOH. Ilang araw na Lang màtatapos na ang Abril, ano kaya ang mangyayari sa atin?

Alam n’yo may isa pa tayong dapat na bantayan at ito ay ang panawagan ng mga health expert na baguhin o dagdagan ang health protocols ng DOH. Ito ay dahil sa ang Covid-19 ay airborne na rin, Hindi lang sa droplets nakukuha. Kaya nga dapat maagapan dahil mabilis ang pagkalat o makahawa.

Ang Covid-19 protocol ngayon ay magsuot ng face mask, face shield, maghugas ng kamay, gumamit ng alcohol at social distancing. Pero, ang gustong mangyari ng health experts ay baguhin o dagdagan ang health protocols dahil nga sa mga bagong ebidensya na ang Covid- 19 ay sumasama na sa hangin.

Kailangang mabigyang diin ito ng DOH sa mga tanggapan, mga pagawaan, mga establishment para makapagpatupad ng dagdag na health protocol.

Sa pag-aaral ng mga scientist mula sa U.S., U.K., at Canada, may sapat na ebidensya na nagsasasabing kumakalat ang Covid-19 sa hangin, mas delikado.

Kailangang baguhin ang protocols sa mga indoor space o place gaya ng malls, mga opisina at katulad na establishments. Tumatagal ang virus na sumasama sa hangin ng tatlong oras.

Iminumungkahi din sa mga tanggapan na huwag na munang gumamit ng air-conditioning unit hangga’t maaari, unless may HEPA filters. Makabubuting buksan ang pintuan at bintana para maiwasan na kulob ang hangin at nagsi circulate lamang sa isang lugar.

Minsan nagtataka tayo bakit kulob ang lugar.

Tandaan natin ang impormasyon ito mga ka-isyu, para na rin sa ating kapakanan.

Please follow and like us: