Magsuot ng pustiso kapag nabunutan ng ngipin
Nakalulungkot dahil sa karamihan sa mga Pinoy kapag nabunutan ng ngipin ay hindi iniisip na magsuot ng pustiso.
Ang rason nila, isa lang naman ang inalis o binunot o nasa likod naman, ‘yan ang laging dahilan.
Bakit nga ba kailangan na magsuot ng pustiso kapag nabunutan ng ngipin kahit isa lang?
Dahil ang ngipin ay tukod ng ulo, tukod ng buong katawan natin.
Kapag nabawasan kailangang tukuran dahil kapag hindi, magbabago ang kagat natin.
Hindi lang po halaman ang dapat tukuran.
Sa pasyente ko sinasabi ko na kapag binunutan ay lagyan na agad ng kapalit o pustiso kasi nga magbabago ang kagat.
Nawawala sa midline.
Kapag natagalan pa bago mapalitan o magsuot ng pustiso (3 years above),
for sure, may napudpod ng ngipin.
Actually, bago pa man bunutan ng ngipin, sinusukatan na para sa immediate denture.
Para pagkabunot ng ngipin ay puwede nang ilagay ang temporary denture.
Mga tatlong buwan muna palilipasin dahil kailangan munang maghilom ang gums.
May dalawang klase ang pustiso, isang de tanggal (removable) at isang fixed.
Pero, balikan natin na mahalagang gawin na kapag may binunot na ngipin ay matukuran agad at hindi pabayaan na lang.
May temporary na pustiso na ilalagay muna habang nagpapahilom ang gilagid.
May epekto sa kalusugan kapag hindi agad pinalitan, puwedeng maging sakitin ang ulo, o nakararamdam ng pagkapagod ng leeg, kahit sa pandinig may epekto din, kahit sa balance ng tao. Kaya talagang apektado ang buong katawan.
At sana ay nakapaghandog muli kami ng kaalaman ukol sa oral health, maraming salamat po.