Mahabang pagtulog, malaki ang maitutulong upang bumaba ang timbang
Problema ng marami nating kababayan lalu na sa mga nagkaka-edad ay ang sapat na pagtulog.
Sa panig naman ng mga kabataan, labis ang oras ng kanilang pagtulog na may negatibong epekto rin sa kanilang kalusugan.
Batay sa isang British study, ang pagtulog umano ng mahabang oras ay nakatutulong upang bumaba ang timbang.
Nababawasan umano ang intake ng calories at mga matatamis na pagkain.
Sinabi naman ng mga US experts na ang findings ay nagpapakita na ang pagtulog ay nakatutulong upang maging healthier ang eating habits ng isang tao.
Samantala, para naman sa hirap matulog, narito ang ilang tips ayon sa mga sleep disorder specialist.
Iwasan ang caffeine at alcohol, apat hanggang anim na oras bago matulog, kumain ng sakto lamang sa gabi at hangga’t maaari ay iwasan ang heavy meals at mas mainam na bago kumain, umaga man o tanghalian lalu na sa hapunan ay uminom ng isang basong tubig.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===