Mahabang pila sa nagpapatuloy na voters registration problema parin ng Comelec
Sa ilang araw ng nagpapatuloy na voter registration sa bansa, pero problema parin ang mahabang pila ng mga magpaparehistro.
Kaya naman ang Commission on Elections en banc inatasan ang kanilang Deputy Executive Director for Operations at Election and Barangay Affairs Department na makipag-ugnayan sa field offices ng poll body.
Partikular na ibinilin ng Comelec en banc ang pagtugon sa problema ng mahabang pila at matiyak na masusunod parin ang pagpapatupad ng minimum public health standards.
Ipinag utos din ng Comelec ang pagkakaroon ng off site at satellite registrations sa mga mall para maging mas convenient para sa mga magpaparehistro.
Ang voter registration ay tatagal hanggang sa Hulyo 23.
Sa datos ng Comelec hanggang nitong Hulyo 6, may 235,153 bagong botante na ang nagparehistro.
Ang 138,645 sa kanila ay 15-17 anyos, 81,332 ang 18 – 30 anyos at 15,176 ang 31 anyos pataas.
Habang may 98,894 naman ang naghain ng application para sa transfer, reactivation, at correction.
Madelyn Villar – Moratillo