Mahal na presyo ng bakuna ipinagtanggol ng Pfizer
Inihayag ng pinuno ng Pfizer, na ang COVID-19 vaccine ng kanilang kompanya ay halos ka-presyo lamang ng isang meal at hindi ipagbibli sa mahihirap na mga bansa para pagkakitaan.
Ipinangtanggol ng pinuno ng US-based company ang presyo ng kanilang bakuna, na aniya’y nakapagliligtas ng buhay at makatutulong sa mga bansa na bumangon mula sa pandemya.
Sinabi ni Albert Bourla sa isang panayam sa ilang media . . . “Vaccines are very expensive. They save human lives, they allow economies to reopen, but we sell them at the price of a meal.”
Dinivelop katuwang ang Germany-based BioNTech, ang Pfizer vaccine kasama ng Moderna, ang bakunang higit na pinagkagastusan ng malaki ng European Union, ayon sa data na ipinalabas ilang buwan na ang nakalilipas ng isang miembro ng Belgian government.
Sa unang bahagi ng linggong ito ay nagbabala si Bulgarian Prime Minister Boyko Borissov, na ang Brussels ay nahaharap sa malaking price hike dahil nakikipag-negosasyon ito para sa halos 2-bilyong dagdag na doses ng bakuna para sa mga darating na taon.
Ayon kay Borissov . . . “Pfizer was 12 euros ($14), then it became 15 euros. Contracts are now being signed… at a price of 19.50 euros.
Ang presyo ng mga nabanggit na bakuna ay lubhang iba sa bakunang gawa ng British-Swedish drugmaker AstraZeneca, na nangakong hindi pagkakakitaan ang kanilang produkto sa panahon ng pandemya at ibebenta ito sa EU nang wala pang two euros per unit.
Hindi kinumpirma ni Bourla ang presyo ng Pfizer vaccine, ngunit inamin na ipinagbibili ito sa mas mataas na halaga sa mga mauunlad na bansa gaya ng EU o Estados Unidos.
Anya . . . “In middle-income countries, we sell it for half the price. In poorer countries, including in Africa, we sell it at cost.”
Gayunman, maraming observers ang duda na ang Pfizer vaccine ay malawakang ginagamit sa mga bansa Africa, dahil ang bakuna ay kailangang i-imbak sa napakalamig na freezers na ang temperature ay nasa minus 70 degrees Celsius (minus 94 Fahrenheit) o mas mababa pa.
Sinabi ni Bourla, na tinatrabaho ngayon ng kompanya ang isang bagong formula kung saan ang bakuna ay maaari nang i-imbak ng 4 – 6 na buwan sa normal na temperatura.
© Agence France-Presse