Mahalagang kontribusyon ng India, kinikilala ng Asean organization
Kinikilala ng Asean organization ang mahalagang kontribusyon na ginagampanan ng India pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan, katatagan at kaunlaran sa rehiyon.
Ayonkay Indian foreign minister Secretary Preeti Saran, kinikilala ng mga Asean leaders ang pagsisikap ng India na mapanatili ang magandang relasyon nito at mga Bilateral talks sa pagitan ng India at mga bansa sa Asean at Indo-Pacific region.
Sa pananaw ng mga Asean leaders, mahalaga ang ginagawa ng India sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pagpapanatili ng maritime security sa South China Sea.
Ayon naman kay Indian Prime Minister Narendra Modi, labis ang katuwaan nila dahil sa naging pagtrato ng Asean organization sa kanilang bansa.
Kasabay nito, tiniyak naman India na mas lalu pa nilang pag-iibayuhin ang mga magagandang misyon at adhikain na kanilang isinusulong lalu pa’t pare-pareho naman aniyang tumatahak ang Asean at India sa tamang direksyon patungong pag-unlad at pagbabago.
Ulat ni Jet Hilario
=== end ===